Si NINANG KURIPOT!

Ang entry na ito ay na forward sa ating e-mail, galing kay Miss. Andrea Lucas ng Batac Ilocos Norte.
Naimbag nga aldaw mo madam! ken agyamanak iti daytoy nga istorya nga impatulod mo.

actually hindi naman ito kwento, TIPS ito.

*KURIPOT TIPS***

Naisip ng Lukaret TEam. pwede itong i feature dahil may pagka kupal ang istorya. para na rin mabigyan ng ayuda ang mga Ninang na hirap mag tago sa mga makulit na mga inaanak\

malayo pa ang pasko. pero tutal . September na.. ok na ding bwena mano ito dahil ber - ber month na,

1. Kapag mag reregalo. imbes na sapatos. tsinelas na lang. tipid na, Praktikal pa, 
sa pag pili ng tsinelas. siguradahing matibay ang ibibigay. para hindi madaling masira, para tumagal.
yun nga lang. matagal din mawala ang atraso mo sa inaanak. lalo na kung RAMBO ang brand ng tsinelas.

2. Kung medyo sosi ang reregaluhang inaanak. pwede na ang MUGS. yung may mga dekorasyon, para mas customized, ilagay ang zodiac sign ng reregaluhan. yun nga lang. sa bunutan sa  school. sigurado MUGS din ang matatanggap ng inaanak. at para may konting twist sa mugs na ireregalo mo, lagyan mo ng ribbon yung mugs. sigurado hindi gagamitin yan ng inaanak mo. gagamitin niya lang itong sakluban ng mga naipong lapis at ball pen.

3.Kapag dadalawin ka sa inyong bahay. mag kunwaring may sipon at may ubo. palayasin mo agad sila. kasi pag tumagal sila. mahahalata ka nila. oh di mapipilitan kang buksan ang mga delatang biscuit niyo sa bodega.

4.Ganun din kung ang darating na mga bisita ay ka trabaho. kumuha ng dalawang garapon,  isalin ang powedered juice sa walang laman na garapon. isaradong mabuti, baka karibalin ka pa ng mga langgam. sayang din. at yung isang garapon na pinanggalingan ng POwdered juice yun ang masinop na timplahan. lagyan ng pulang asukal para magkalasa, mag hiwa din kapirasong pakaskas (Tagapulot). ibudbod ito sa juice. para mag mukhang sosi. tapos sabihin mo sa mga bisita , na galing pa ang juice sa indonesia.o ha? lusot diba? tulad ng naunanng tips. wak mashado takgal bisita ha? sila hingi ulit juice, at kolyente ulit taas, ikaw  paktay agad ilaw ha?

5.Ito ang pinaka mabisa sa lahat :)  mag alaga ka ng aso. huwag yung may breed, magastos sa pag kain at mainenance. maarte ang mga asong yun. bili ka ng askal, yung medyo malapit ng matigok. yung payat  at nag lalaway, mas ok kung meron ding mga garapata. itali mo ito sa harap ng inyong gate, yan! sigurado. isang buwan kang walang bisita. problema mo nga lang. pano ka din lalabas. mukhang bibigay din yung aso mga ilang araw lang. pero dont wory. pag nakagat ka,  pahiran mo na lang ng bawang, hatiin mo yung bawang. yun asin. manghingi ka na lang sa kapitbahay. mabisa din itong pang tanggal ng rabies.

o. eto muna.. yung tip # 6- 10 next time ulit ha?