Baklang MALDITA

Hindi nature ng mga boys ang mag sungit, mag suplado, mag taray, at mang okray. maliban na lang kung sisi lalake ay may pag ka dyuding! aayy~ kaloka ka! mareh!


Bweno, .. pasok sa kwaderno ng Lukaret blog ang mga Baklang Maldita! yes! we considered these creature as woman. wala tayong magagawa. may humirit eh! dapat bida din daw sila dapat dito. o siya sige na nga! pag bigyan natin. tutal baka maging sponsor natin sila  sa site na ito Malay natin mabasa ito ng reyes hair cutters, o ayos!  plugging at advertisement na. 300x250 square banner ads 25,000 kada buwan. pwede na ba?

"Baklang Maldita": Double quotes! italic at BOLD. 

naks! statement  at tag line pa lang wapak na wapak na! sira na diskarte mo dito kaka!

"Sila lang naman ang reyna ng okrayan, at kung hindi matibay tibay ang kurdon mo. makakasapak ka ng wala sa oras,  over Acting ang mga ito kung mag kwento, ma oospital pa lang yung kapitbahay mo, pag dating ng tsika sa kanila, ine embalsamo na ito."

kung maka pan lait ang mga ito. daig mo pa yung kinurikong na aso, at huwag ka! tuwang tuwa ang mga yan kapag nakita nilang apektado ka sa pang aasar nila, lalo nilang pag bubutihan ang pambabara, yung tipong hanggang sa ka liit liitang gramo ng laway mo malulunok mo, at hindi ka titigilan ng mga yan hanggat walang dugo na lumalabas sa dalawang  butas ilong mo. Take note! dalawang butas!
hanggang sa mapikon ka na. saka lang titigil mga yan. 

pero masayang kasama ang mga halimaw na ito. hindi lilipas ang araw na hindi ka mapapatawa sa mga animal na  ito! sa kapalpakan., ka engotan, at pinag sama samang kapangyarihan ng kanilang  kabaklahan. they can make your day! kung may problema ka? tumambay ka lang sa parlor. libre ang tsismis, head lines at sari saring tiktik. dapat matiyaga ka sa walang humpay na harutan at landian ng mga bruha , maghapong puro lalake at gwapo ang pinag uusapan, overload , super family size daw ang kanyang bagong papa, may maliit, matataba at at mapayat na tsismis nang kung ano ano, kung minsan naman. kung walang mapag diskitahan. kawawa ang kustomer na mapagti tripan, 

Huwag mong aawayin mga yan, masahol pa sa buni at kulam ang aabutin mo sa mga yan, pina plano mo pa lang silang gawan ng masama, matitigok ka na kpag sila ang bumwelta, ihanda mo ang kapal ng iyong mukha, magaling sa scripts ang mga yan, kaya nga pinaka marami sa kanila direktor ng pelikula diba? writer? at producer! 

producer  din ng tsismis. at lintek walang patawad. ultimo ipis at daga  sa inyong bahay gagawing antenna para sumagap ng tsismis.

yun eh! kung hindi mo lang naman sila gagalitin, mind your own bussiness, at hwag mo na silang pangaraping patulan. talagang papatulan ka ng mga baklitang yan. hindi naman lahat, yun ilan lang

safe ang Lukaret! bakla ka!