Wag ka lang pahuhuli bruha

Madam Ipaghahain ko na po kayo..

"Mamaya na, hindi pa ako gutom"

Senyorita may tawag po kayo sa telepono

"sabihin mo Wala ako."

Senyorita pwede po akong bumale? mag lagnat kasi ang tiyahin ko

"Walah! hindi pwede!"

.. ...

sarap buhusan ng kumukulong tubig ang  among ganito noh? 
o kaya itali sa puno ng niyog na may maraming langgam
o kaya ibitin patiwarik

Well, wala kang magagawa., may ganyan talagang mga amo, pinsang buo ni medussa may pagka amasona, laging masungit, hindi mo makausap ng matino kulang na lang pwedeng isabit ang kaldero sa kanilang nakabusangot na mga nguso

Gantihan mo na lang.. ,, paano?

kain ka ng saging, yung pinag balatan iwan mo sa sahig, yung lagi niyang dinadaanan
lagyan mo ng mga thumbtacks ang upuan niya
lagyan mo ng bigas ang susihan ng kotse niya
Flatin mo yung gulong niya
.
.ano pa ba?

ah eto!
dahil maldita ka din.
kunan mo siya ng picture pag natutulog. saktohin mo yung nakanganga siya.  saka mo i apload sa facebook nia.

ayos! nakaganti ka na,wag ka lang pahuhuli bruha. dahil kakalbuhin ka niya!