Sexy at malditang sekretarya

May mga boys na ipagpapalit ang asawa na magaling magluto sa Sexy , bata at magandang chicks! pwede naman kasi diba? kahit hindi marunong mag luto ang hitad basta laging mabango ito at amoy pipino. No problemo si lalake. pwede naman kasi diba? kung may pambili sa restaurant na lang at puro take out, di bale nang maubos ang budget sa kaka order ng foods na hindi kayang lutuin  ni babes.

Sa panahon ngayon, laging talo ang misis na masarap magluto. sa babaeng makinis at fresh. kumpara sa amoy sinigang at porkchop na luto. mas trip pa ring amuyin ng mga  mahihilig ang amoy sabon na babae. totoo po ito. kaya madaming lalake ang nambabae dahil kahit busog sila sa kusina. gutom naman sila sa romansa. kaya ikaw na nakakabasa nito. OO . huwag puro pag tadtad ng sibuyas ang atupagin mo. hala ka! pag ang adobong putahe ay pinag sawahan ni mister. mag bubukas ng ibang kaserola yan. baka maghanap ng papaitan at inihaw na hito har har! 

kaya kung ayaw mong masapawan ng sexy at malditang sekretarya. aba. magluto ka ng ibang putahe. yung pag uwi ni mister, maglalaway siya sa kakaiba mong inihanda.

sariwang tilapia. kinilaw, may halong sibuyas , at siling haba!
iba pa rin ang dating ng original sabi nga nila diba?
eh kung ikaw ang original . sulitin mo na. + iba pa rin ang lasa ng misis na magaling nang magluto. marunong pang umimbento ng lasang kakaiba ;)