Paano Makipag away ang Maldita?

Kung papipiliin mo ako sa dalawa. manood ng action movie na ang bida ay si Tom Cruise, o Manood ng sabunutan at sampalan ng dalawang Chiks? 

Tinatanong pa ba yan? of course! dun ako sa sabungan ng dalawang bruha, masarap manood kasi ng mga ganitong eksena. una mag sasagutan muna mga yan at magdadakdakan. mag papalitan ng talak at mga sweet words!

SAmpEL!

Babae 1: HOy~ At least ako hindi ako kagaya mo, na masyadaong papansin. palibhasa, matanda ka na. wala ng mag kagusto sayo dahil gurang ka na!

Babae2: HOy! kung gurang ako, mas gurang ka!  bruha ka! tignan mo nga yung kilay mo. pinepeke mo na lang ng eye liner! at yang mukha mo parang enembalsamo, hindi pantay ang kulay sa Leeg. 

Babae 1: At least mas Maganda ako sayo!
Babae2: Sino naman may sabing mganda Ka? ilusyunada!

Babae 1: Anong Sabi mo?? halika ka nga dito!! walangya Ka~!!
Babae 2: Sige halika dito!  nang makatikim ka!

eherrmmm!!

kita mo na?
Hindi mawawala yan. bago mag salpukan, at mag kalmutan, dapat merong INTRO, kaya nakakatuwang manood ng rambol kapag mga babae ang involve! 

Bonus! ang iba namang manyakis, sinasamantala, para mabosohan ang mga nag wre wrestling. yung iba naman., pinag pupustahan na kung sino ang mananalo.

isa pa sa nakaka aliw dito, kapag pinilit awatin. NAKUPO! yung aawat sigurado. sa barangay din ang bagsak, worse? sa ospital na kamo.

at eto pa? pahabol. Ang maldita pag nag aaway, malakas ang mga bunganga! parang nasa palengke, walang paki alam kung marinig sila ng buong barangay. mailalabas nila lahat ng katakot takot na milagro at tsismis sa kanilang mga buhay. 

aamin ako.. hindi maganda? oo ! pero huwag kang plastic! masarap manood ng sabunutan sa kalsada, yung madaming audience at mga usyusero, talk of the minute yan sigurado, hanggang hapon laman yan ng usapan hanggang sa kanto.